Ano ba ang naiisip mo kapag naririnig mo ang pagkaing RAMEN? First of all mamahalin at pangmayaman diba hehehe pero may mga bagay lalo na ang pagkain na kayang kaya ng bulsa as in kayang kaya mong gawin kahit sa bahay lang. Hindi man ganun kasarap ganun naman mismo at ang maganda pa sariling gawa mo at sarilign ingredients na gusto mo. Maramign Ramen Restaurants ngayon sa Metro Manila ang nagsusulputan kasi sabaw palang ulam na ulam na. Kaya naisip ko magprepare ng klase ng Ramen na ako mismo ang namili ng ingredients na gusto ko talaga kasi minsan kung ano lang ang nasa menu yon lang kaya ang nangyayari hindi lang iisang order ng ramen ang ginagawa ko kundi mahigit pa minsan sa 2 hehehe.
Heto ang mga sumusunod na ingredients base sa gusto kung sangkap ng isang Ramen napakadalign gawin at masundan and importante sa lahat ay ginagawa at niluluto mo sya na masaya at may puso lalo na kung para sa pamilya at sa taong mahal mo ^_^
Mga Sangkap:
- Uni-pak Mackerel with Natural Oil
- Ramen Noodle (cook as instructions)
- Mushroom (sliced)
- Egg (hard boiled)
- Fish Ball
- Crab Stick
- Fish Broth Cube
- Water
- Bawang at Sibuyas
- Asin at Pamintang pampalasa
Paraan ng Pagluto:
- Igisa ang Sibuyas at bawang, ilagay ang Uni-pak Mackerel with Natural Oil, fish ball.
- Ilagay ang tubig antayin hanggang sa kumulo, pagkakulo ilagaya ng crab stick, mushroom, Egg, at fish broth cube na pampalasa.
- Kapag kumulo ihalo ang ramen noodle sabay lagyan ng asin at paminta.
- Kapag kumulo na ulit ihanda na at eserve
- Option lang kung gusto mo lagyan ng parsley or mint leaves
Note:
- Masarap habang mainit-init pa!
Sana nasarapan kayo sa instructions ko ng pagluto at iprepare nyo rin para sa family nyo, hindi nyo na kelangan pa minsan magpunta sa mga Ramen Restaurant kasi simple lang gumawa sa tulong ng Uni-pak Mackerel with Natural Oil. Pak na Pak ang Sarap!
Elike at efollow ang Unipak FB Page https://www.facebook.com/unipakmackerel/ at Uni-pak Instagram Account https://www.instagram.com/unipakmackerel/ para sa maraming Pak na Pak na Tips at Healthy Recipe's.
No comments:
Post a Comment